Ticker

6/recent/ticker-posts

Ad Code

Responsive Advertisement

PALASYO ITINANGGING MAY EDUCATION CRISIS SA PINAS


 

Itinanggi ng Malacañang na nakakaranas ng krisis sa edukasyon ang bansa kasunod ng pag-amin ng 20-year-old TV contestant na wala siyang alam tungkol sa Commission on Elections (Comelec).

Ayon kay Palace Press Officer at Presidential Communications Office Undersecretary Claire Castro, ang kawalan ng kaalaman ng nasabing contestant ay hindi sumasalamin sa sistema ng edukasyon sa bansa.

“Ang pagkukulang ng isang tao hindi naman agad-agad ito magre-reflect ng kakulangan ng ginagawa ng pamahalaan para maiangat ng level ng ating edukasyon,” saad ni Castro.

“Hindi po nababahala ang ating Pangulo dahil sa atin po, sa panahon po ngayon, lahat po ng paraan ay ginagawa po natin para maiangat po ang level ng ating edukasyon,” dagdag pa niya.

Gayunpaman ay naniniwala raw si Castro na ang mga mag-aaral ay dapat maging “proactive” pagdating sa kanilang kapaligiran.

“Kung meron mang pagkukulang siguro, malamang ay ito na rin po ay dapat manggaling sa mga estudyante, sa mga bata, na nandoon din po ‘yung kanilang pagsisikap. Maaari naman niyang i-level up ang kanyang sarili, lalong-lalo na marami na tayong napag-aaralan through Internet,” ani Castro.



Post a Comment

0 Comments