Ticker

6/recent/ticker-posts

Ad Code

Responsive Advertisement

DUTERTE WALANG WARRANT OF ARREST MULA SA ICC AYON SA OSG


Nilinaw ng Office of the Solicitor General (OSG) na wala pa itong natatanggap na notice sa warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC) laban sa sinumang Pilipino.

“We have not received any such notice from the ICC,” pahayag ni Solicitor General Menardo Guevarra nitong Linggo, Marso 9.

Sinabi ito ni Guevarra kasunod ng balitang naglabas na ng warrant of arrest ang ICC laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, na nahaharap sa kasong crimes against humanity dahil sa mga pagpatay umano sa war on drugs ng kanyang administrasyon.

Kinatawan ng OSG ang Pilipinas sa paghiling sa ICC na itigil ang imbestigasyon nito sa drug war.

Nanindigan ang administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos na hindi makikipagtulungan ang gobyerno ng Pilipinas sa imbestigasyon ng ICC.

Post a Comment

0 Comments