Nanindigan si Senate President Francis “Chiz” Escudero na hindi pangungunahan ang pagtipon ng impeachment court habang nakabakasyon ang Kongreso, ano pa man ang bilang ng makukuhang pirma para sa panawagang simulan na ang paglilitis kay Vice President Sara Duterte.
“No amount of signatures will amend the law nor convince me to violate it by convening the impeachment court during recess and without complying with the requisite conditions precedent,” pahayag ni Escudero sa kanyang text message sa mga reporter.
“The law is not bendable and should not bow to anyone’s dictate simply because of their own desire, bias and timetable of wanting to rush the impeachment proceedings vs. VP Sara,” dagdag niya,
Ginawa ni Escudero ang reaksiyon matapos maglunsad ang iba’t ibang religious group at sectoral representive ng People’s Impeachment Movement (PIM) na naglalayong mangolekta ng higit sa isang milyong lagda hanggang Pentecost Sunday sa Hunyo 8 para ipakita ang panawagan ng publiko na simulan na ang impeachment trial laban kay Duterte.
Paulit-ulit nang sinasabi ni Escudero na sisimulan lang ng Senado ang paglilitis sa oras na magbalik na ang sesyon ng Senado. Itinakda ni Escudero ang pansamantalang simula ng paglilitis sa Hulyo 30.
0 Comments